PINASINAYAAN kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang
motorcycle riding academy (MRA) sa Meralco Avenue, Pasig City.
Nilalayon ng MRA na masolusyunan ang dumaraming bilang ng motorcycle accidents sa
pamamagitan nang pagtuturo ng theoretical and practical courses sa motorcycle riding.
Pinangunahan nina MMDA Chair Romando Artes, Pasig Mayor Vico Sotto, San Juan City Mayor
Francis Zamora at Batangas Vice Governor Mark Leviste ang inagurasyon.
Sinabi ni Artes, “The academy will equip motorcycle owners with basic knowledge and skills on
the operation of motorcycles, various road safety laws, rules and regulations, driving skills,
especially on how to avoid hazardous situations, discipline and emergency response know-
how.”
Nag-aalok ang MRA ng dalawang araw na libreng motorcycle riding course. Bukas ito mula
Lunes hanggang Sabado at kayang mag-accommodate nang 300 estudyante bawat linggo.
Sinabi ni Artes na patuloy na tumataas ang bilang ng mga aksidenteng sangkot ang motorsiklo
sa loob ng mga nakaraang taon. Idinagdag pa niya na sa loob ng unang pitong buwan ng 2023,
sa 170 mga biktima na nasawi, 149 dito ang sa motorcycle accidents.
Ayon sa BraboNews research, umabot sa 4,029 ang mga aksidente sa motorsiklo magmula
Enero hanggang Abril 2023. Mas mataas ito kaysa 8,342 na insidente sa buong taon ng 2022.