Arestado ang isang 30-anyos na lalaki matapos sitahin ng paninigarilyo sa kanto subalit biglang kumaripas ng takbo at nang malambat ay nahulihan ng isang baril , kamakalawa sa Caloocan City.
Kinasuhan ng Caloocan City Police Station (CCPS) ang hindi na pinangalanang suspek ng paglabag sa R.A. 10591 in relation to Omnibus election code.
Ayon kay Caloocan City Police Chief PCol. Ruben Lacuesta, nagsagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Sub-Station 13 at natiyempuhan ang suspek na naninigarilyo sa kanto bandang 11:30Â ng umaga sa Phase 7C, Bagong Silang, Brgy. 176, Caloocan City.
Nilapitan ng pulis para sitahin dahil paglabag sa City Ordinance ang ginagawa ng suspek subalit bigla na lang itong tumakbo kaya napilitan ang mga pulis na habulin ito sa posibilidad na may tinatago ang suspek.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang improvised firearm na “sumpak” na may 12 bala Dinala ang suspek sa Caloocan Police station para sa tamang imbestigasyon saka ikinulong sa Caloocan detention cell.