Sinita sa yosi huli sa baril

Arestado ang isang 30-anyos na lalaki matapos sitahin ng paninigarilyo sa kanto subalit biglang kumaripas ng takbo at nang malambat ay nahulihan ng isang baril , kamakalawa sa Caloocan City.

Kinasuhan ng Caloocan City Police Station (CCPS) ang  hindi na pinangalanang suspek ng paglabag sa R.A. 10591 in relation to Omnibus election code.

Ayon kay Caloocan City Police Chief PCol. Ruben Lacuesta, nagsagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Sub-Station 13 at natiyempuhan ang suspek na naninigarilyo sa kanto bandang 11:30  ng umaga sa Phase 7C, Bagong Silang, Brgy. 176, Caloocan City.

Nilapitan ng pulis para sitahin dahil paglabag sa City Ordinance ang ginagawa ng suspek subalit bigla na lang itong tumakbo kaya napilitan ang mga pulis na habulin ito sa posibilidad na may tinatago ang suspek.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang improvised firearm na “sumpak” na may 12 bala Dinala ang suspek sa Caloocan Police station para sa tamang imbestigasyon saka ikinulong sa Caloocan detention cell.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...