33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

20 preso nagpakasal sa kulungan sa Mandaluyong

Nagpakasal sa naganap na ‘Kasalan sa Piitan’ ang 20 preso matapos ang matagumpay na programa  ng Mandaluyong City local government unit (LGU) at City Jail.

Naganap ang unang mass civil wedding na kung saan nasa 20 inmates ang nagpakasal sa loob ng city jail kabilang  ang tatlong preso na may matagal nang ka-live in at isang inmate na nagpakasal sa isang 70-anyos na partner sa loob ng piitan 

Pinangunahan ni Mayor Abalos, kasama sina Vice Mayor Menchie Abalos, city councilors, at Bureau of Jail Management and Penology – National Capital Region (BJMP-NCR) Director Jail Chief Superintendent Clint Russel Tangeres, CESE ang pagpapakasal sa 20 inmates.

BASAHIN  Pebrero 1: Wala ng jeep sa 320 ruta sa NCR

Ayon kay Mayor Abalos, na ang naganap na ‘Kasalan sa Piitan’ ay isang ‘Re-integration, Reformation Program’ ng Mandaluyong City at city jail para sa mga preso.

Tinulungan din ni City Civil Registry head Atty. Gabriel Corton ang mga  inmates na maging legal ang kanilang pagsasama at aayusin din ang birth certificates ng kanilang mga anak.

Kinikilala ng Mandaluyong City government ang karapatan ng mga persons deprived with liberty (PDL) na magpakasal sa kanilang  mga mahal sa buhay kahit na nasa kulungan pa

BASAHIN  Taga-Las Piñas wagi sa P111-M  Grand Lotto 6/55

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA