Expired driver’s license may automatic extension – LTO

Share

INIANUNSYO ng Land Transportation Office (LTO) kahapon, na nagkaroon nang automatic
extension ang lahat ng driver’s license sa buong bansa hanggang sa Abril 2, 2024.


Sakop nito ang lahat ng mga lisensya na nag-expire magmula noong Abril 3, 2023 hanggang sa
kasalukuyan.


Ayon kay LTO Asst. Secretary Vigor Mendoza II, ang mga lisensya na sakop ng utos ay hindi na
raw dapat magpunta sa tanggapan ng ahensya para tatakan ang kanilang driver’s license o
magbayad ng fee.


Inabisuhan na raw nila ang lahat ng implementing agencies sa buong bansa, gaya ng Philippine
National Police (PNP), MMDA, at mga lokal na pamahalaan, para maiwasan ang inconvenience ng
mga motorista.


Ayon pa kay Mendoza, kaya raw nagsimula ang automatic extension noong Abril 3, ay dahil dito
raw nagsimula ang kakulangan sa plastic-type driver’s license.

BASAHIN  Isang barangay tanod patay, 4 sugatan sa 2 magkasunod na sunog sa Pasig City


Matatandaang nabimbin ang pagre-release ng plastic-type driver’s licenses dahil sa temporary
restraining order (TRO) na iniutos ng Korte, matapos magreklamo ang natalong bidder sa
paggawa ng lisensya.


Nilinaw ni Mendoza na bibigyan daw nang sapat na panahon ang bawat expired license holder
para mag-renew ng kani-kanilang lisensya – matapos maalis ang TRO – para hindi magkasabay-
sabay ang pagre-renew. Bibigyan daw ng priority ang mga OFW at mga nagtatrabaho bilang
drivers.

Tinatayang lomobo sa mahigit 1.7 milyon ang backlog o kakulangan ng driver’s licenses sa buong
bansa dahil sa TRO.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

US$1.3-T kakailanganin sa restoration ng Ukraine Trabaho para sa OFWs, open

SINABI ni Ukraine Charge’ d Affairs Denys Mykhailiuk na kakailanganin ang US$1.3trillon para sa restoration ng bansa, pagkatapos ng digmaan. Sa isang online TV interview...