33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Vloggers na nagkakalat ng fake news tuldukan na – Tulfo

SINABI ni Senador Raffy Tulfo, sa isang pagdinig ng Senate committee on labor employment and
human resources, na dapat magkaroon ng isang pambansang organisasyon ang mga vlogger para
matuldukan na ang fake news

Ang liderato raw ng organisasyon ang siyang magbibigay ng guidelines at sasala sa vlogs ng mga miyembro nito, saad ni Tulfo.


“I know that for a fact na ‘yung regular TV stations, hindi ‘yan nagpapalabas ng mga fake news.
‘Yung mga radio stations, maging sa mga newspaper… Maliban na lang siguro sa mga vlogger na walang nire-reportan na amo o kompanya, independent. Iyon ang nakatatakot, (dahil) doon nag-u-umpisa ang fake news,” paglilinaw ng Senador.


Inirekomenda ni Tulfo, ang pagkakaroon ng samahan ng mga vlogger kagaya ng Kapisanan ng
mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) na nagtuturo nang responsible broadcasting.

BASAHIN  San Juan Mayor hinamon ang nagpakalat ng 'ayuda scam'


“I don’t know if this needs legislation na magkaroon ng `Kapisanan ng mga Vloggers sa Pilipinas’ or something to that effect na para magkakaroon ng policing…among their ranks na para maging
responsable na sila,” saad ni Tulfo.


“Marami nga diyan na mga vloggers na sumusunod sa code of ethics, sa tamang pamamaraan na
para ilabas mo ‘yung mga storya mo sa social media.

Pero meron pa rin talaga diyan mga guerilla, na talaga ‘pag umupak, upak lang, without thinking of the consequences because walang nagre-regulate sa kanila and then bahala na kapag ide-demanda o hindi,” pagtatapos ng senador.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA