COMELEC, Kakasuhan ang mga Guro, Pulis na hindi naglingkod sa BSKE

Share

NANGAKO ang Commission on Elections (Comelec) na kakasuhan nila ang libo-libong guro at
pulis na pulis na biglaang umatras sa election duty nitong Oktubre 30.


Dahil sa kanilang pag-atras, nabimbin ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa
maraming lugar sa bansa.


Ayon kay Comelec Chair George Garcia, kasong kriminal at administratibo ang kanilang ihahain
laban sa mga nabanggit na kawani ng gobyerno.


Ayon sa Section 261 ng Omnibus Election Code, mahigpit na pinagbabawalan ang bawat
miyembro ng Election Inspector at Canvasser Board na lumiban sa aknilang tungkulin, na
magreresulta para hindi nila magawa ang kanilang atas at maaantala ang eleksyon sa lugar na
kung saan sila ay nakatalaga.

BASAHIN  AI pwede bang gamiting sa kampanya?


“Okay lang magwithdraw prior [to election day] kasi naiintindihan naman po namin na hindi
mandatory ang election day service. Pero, kung halimbawa, ikaw na na-train na, pagkatapos
nagkagastos-gastos na kami, tapos on the day of the election, bigla ka magwi-withdraw. Worse,
iyong pinalit namin, bigla rin magwi-withdraw.

Something is wrong with that,” saad ni Garcia Nasa 2,530 guro umano ang umatras sa kanilang voluntary election day service sa iba’t-ibang lugar sa bansa, lalo na sa Bangsa­moro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Flor, inosente talaga

Sa salaysay sa PEP.Ph ni Russel Contemplacion, anak ni Flor, inilahad niyang hindi naniniwala siConrado Maga, asawa ni Delia na si Flor ang pumatay...