Dec. 31 deadline sa PUV consolidation, tuloy – LTFRB

Share

Tuloy ang deadline ng public utility vehicle (PUV) consolidation sa katapusan ng 2023, ito ay ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Matapos ang pakikipagpulong ng ahensya sa mga kinatawan ng PISTON at iba pang transport groups, pumayag si LTFRB Chair Teofilo Guadiz III na payagan pa ring ng bumiyahe ang
tradisyunal na jeepney sa 2024 basta ito’y road worthy.

Ilan pa sa mga kahilingan ng transport groups na napagbigyan na ng LTFRB:

  1. Ginawang simple ang requirements o mga kahilingan sa consolidation, kailangang na
    lamang ang orihinal na kopya ng official receipt at certification of registration, gayundin
    ang petition for consolidation;
  2. Pinayagan na ang 2-3 transport cooperatives sa isang ruta;
  3. Inalis na ang penalties; at,
  4. Pwede na ring magtayo ng transport coops kahit kulang sa 15 ang yunit bawat coop.
BASAHIN  Cybercrime, lumala pa kahit may SIM registration

Nilinaw din ng LTFRB na kailangang munang bumuo ng transport coop ang mga miyembro ng transport groups, hindi mandatory o sapilitan ang pagbili ng modern jeeps, at bilang pagsunod sa
utos ng Pangulo, wala munang jeepney phaseout.

Samantala, sinabi ni Celine Pialago-Vargas, spokesperson ng LTFRB na gustong bigyang linaw ng transport group ang tila masalimuot na scenario sa management ng cooperative, partikular kung magkano talaga ang membership fee at ang kawalan daw ng proteksyon ng mga miyembro nito, sakaling sibakin sila ng pamunuan ng coop.

Idinagdag pa ni Vargas na ini-refer na ng LTFRB kay OTC Chair Andy Ortega dahil wala sa kanilang kapangyarihan ang concerns na ito.

IBA PANG BALITA

Ang Huling Sayaw: Isang Kuwento ng Pamilya Romanov ng Rusya

SA simula ng ika-20 siglo, ang Russia ay isang bansa na puno ng kontradiksyon. Sa isang dako, naroon ang maringal na Winter Palace sa...

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

US$11-B utang ng ‘Pinas sa WB ginawang “fixed rate”

Ginawang “fixed rate” ng Pilipinas ang interest rate nang pagkakautang nito na US$11.13 bilyon sa World Bank, ayon sa Department of Finance (DoF), nitong...