33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

P183-K shabu nasabat sa lolong tulak

Arestado at kulungan ang bagsak ng isang 60-anyos na lolo matapos magbenta ng illegal na droga sa pulis na umaktong buyer at makuhanan ng aabot sa P183,600 halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operations, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Fortune, Marikina City.

Sa report na nakarating sa tanggapan ni PBGen. Wilson Asueta, Eastern Police District (EPD) Director mula kay PCol. Earl Castillo, hepe ng Marikina City Police Station, nakilala ang suspek sa alyas na Goryo matapos magbenta ng shabu sa pulis.

Ayon sa report ng Marikina Police, isinagawa ang buy bust operation bandang 8:00 kamakalawa ng gabi sa Barangay Fortune matapos nakatanggap ng tip ang pulisya kaugnay sa pagtutulak ng droga ng matandang suspek.

BASAHIN  EPD pinaigting ang kakayahaang makita ng publiko

Agad na dinakma ang lolo matapos ang naganap na transaksyon sa pagbebenta ng shabu at nakumpiska ang walong piraso ng  transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na 27 gramo na nagkakahalaga ng P183,600.00.

Kasaluluyang nakakulong ang suspek sa Marikina Custodial Facility at sinampahan ng kasong paglabag sa R.A. No. 9165 .

Pinarangalan naman ni PBGen. Asueta ang Marikina Police sa patuloy na kampanya  para masugpo ang droga.

BASAHIN  80-anyos na lolo, arestado sa pagpatay sa isang parking boy

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA