33.4 C
Manila
Tuesday, June 24, 2025

Top 6 wanted ng Las Piñas nalambat sa tip ng ‘Marites’

Nalambat ng pinagsanib na puwersa ng Las Piñas CPS Warrant and Subpoena Section (WSS) at Station Intelligence Section (SS) ng Las Piñas City Police Station (CPS) ang top six most wanted person sa ikinasang manhunt operation matapos makakuha ng impormasyon mula sa mga ‘Marites’ ng Barangay Talon, Las Piñas City.

Inaresto si Rodalyn Icayan, alyas Roda, 31-anyos, bandang 4:10 kamakalawa ng hapon sa  Saint Louie Village, Barangay Talon 3, Las Piñas City sa bisa ng warrant of arrest.

Si Icayan ay mayroong pending warrant sa kasong robbery na may  Criminal Case No. 20-0491 na inisyu ni  Honorable Judge Pia Cristina B. Bersamin-Embuscado ng Regional Trial Court Branch 198, Las Piñas City, na may petsang September 7, 2023. 

BASAHIN  79-anyos na lola, binugbog ng anak dahil walang ulam

Nabatid na naaresto ang akusado sa masusing pagkalap ng impormasyon ng mga tauhan ng Las Piñas Police sa pamumuno ni Col. Jaime Santos na kung saan ay nagtanung-tanong sila sa lugar hanggang makakuha ng detalye kung saan nakatira ang suspek.

Kasalukuyang nakakulong ang akusado sa Custodial Facility ng Las Piñas City Police Station

BASAHIN  P200-K shabu pustahan sa cara y cruz sa Taytay

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

818,000FansLike
50FollowersFollow
93,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA