Nalambat ng pinagsanib na puwersa ng Las Piñas CPS Warrant and Subpoena Section (WSS) at Station Intelligence Section (SS) ng Las Piñas City Police Station (CPS) ang top six most wanted person sa ikinasang manhunt operation matapos makakuha ng impormasyon mula sa mga ‘Marites’ ng Barangay Talon, Las Piñas City.
Inaresto si Rodalyn Icayan, alyas Roda, 31-anyos, bandang 4:10 kamakalawa ng hapon sa Saint Louie Village, Barangay Talon 3, Las Piñas City sa bisa ng warrant of arrest.
Si Icayan ay mayroong pending warrant sa kasong robbery na may Criminal Case No. 20-0491 na inisyu ni Honorable Judge Pia Cristina B. Bersamin-Embuscado ng Regional Trial Court Branch 198, Las Piñas City, na may petsang September 7, 2023.
Nabatid na naaresto ang akusado sa masusing pagkalap ng impormasyon ng mga tauhan ng Las Piñas Police sa pamumuno ni Col. Jaime Santos na kung saan ay nagtanung-tanong sila sa lugar hanggang makakuha ng detalye kung saan nakatira ang suspek.
Kasalukuyang nakakulong ang akusado sa Custodial Facility ng Las Piñas City Police Station