33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Cash assistance, tax amnesty para sa rice retailers ng Marikina

BUNSOD ng rice capping na ipinatutupad ng pamahalaang nasyunal, namahagi ng ₱15,000 cash assistance ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) kahapon sa mga manininda ng bigas sa Marikina City.

Kasabay nito, ipinamahagi rin ng lokal na pamahalaan ng Marikina ang ₱5,000 cash assistance maliban pa sa tax amnesty at tax incentives.

Pinangunahan ni Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro ang nasabing pamamahagi at kasama ng city council ay nilagdaan ang tatlong ordinansa na magpapagaan sa dinaranas na pagkalugi ng mga rice retailers.

Magkakaroon ng dalawang buwang moratorium sa renta ng kanilang puwesto sa palengke at binigyan din ng tax incentives o 6 buwang exemption sa business tax at tax amnesty mula sa Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang mga maliliit na rice retailer sa lungsod.

Sinabi ni Teodoro na nauunawaan nito ang nararanasang hirap ng mga nagtitinda ng bigas na humahango ng kanilang suplay sa mas mataas na halaga ngunit ipagbibili sa presyong ₱41 at ₱45 bawat kilo para sa ordinary at magandang klase ayon sa pagkakasunod-sunod.

BASAHIN  Inter-Agency IRR para sa Seniors, PWDs kailangan

Ito ay upang makasunod ang mga manininda ng bigas sa inilabas na Executive Order No. 39 o ang pagtatakda ng price ceiling sa bigas.

Sinabi pa ng alkalde na bagama’t ito’y may kaunting ginhawang hatid sa mga konsyumer, kailangan din matulungan ang mga nagbebenta ng bigas upang maipagpatuloy nila ang kanilang negosyo.

Paliwanag ni Teodoro, ginawa na rin nila ang ganitong tulong noong kasagsagan ng pandemya at kanila itong inulit upang tulungan na makabawi ang mga tindero ng bigas hanggang sa maging sapat na muli ang suplay at bumaba na ang presyo nito sa pamilihan.

Laking tuwa at pasasalamat ng mga rice retailer sa handog na ayuda ng lokal at nasyunal na pamahalaan lalo’t malaking tulong sa kanila ito upang makapaghanap buhay nang patuluyan.

BASAHIN  Road rage sa Valenzuela, suspek kinasuhan na

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA