33.4 C
Manila
Thursday, November 7, 2024

Kelot buking sa pangho-holdap ng jeep sa QC

Arestado ang isang miyembro ng sindikato matapos mangholdap sa isang pampasaherong ng jeepney at pagnakawan  ng cellphone ng isang katabing pasahero subalit nabisto nang maispatan ng nagpapatrulyang traffic mobile sa Quezon City.

Kinasuhan ng robbery at illegal possession of bladed weapons in relation to Omnibus Election Code , kinilala ang suspek na si Joseph Tanoan, alyas Benjamin Fajardo,  miyembro ng Bembol group, 34-anyos, na sangkot din sa  serye ng panghoholdap sa Quezon City.

Nabatid na ikalimang beses ng nakulong ang suspek matapos ang mga kasong frustrated murder, ilegal na droga at pagnanakaw na naka-record sa kanyang sa QCPD.

Ayon sa report, nagpanggap na pasahero ang suspek at tinabihan ang isang babaeng biktima at itinutok ang dalang kutsilyo sabay agaw ng cellphone at mabilis na bumaba ng jeep.

BASAHIN  Transport strike tagumpay, ayon sa Piston; MMDA ‘di sang-ayon

Isang magpapatrulyang mobile ng QCPD ang nakakita sa suspek na kahina-hinala ang pagbaba sa jeep na sabay takbo at pagsigaw ng biktima kaya agad na hinabol ang suspek at agad namang nahuli.

Nabawi naman sa suspek ang  ninakaw na cellphone at isang kitchen knife na gamit sa pagnanakaw.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa QC detention cell.

BASAHIN  Mahigit ₱400-K 'shabu' nasabat sa Caloocan

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA