De Vera, binanatan si Diokno

0

MARIING tinutulan noong Martes ni Commission on Higher Education (CHEd) chair Prospero
de Vera III ang panukala ni Finance Secretary Benjamin Diokno na kailangang muna ang
screening bago mag-qualify ang estudyante sa libreng college education.


Sinabi De Vera na ang college admission test sa University of the Philippines ay makapipinsala
kung gagamitin sa ibang state universities and colleges (SUCs) sa bansa.


Sinabi ni Diokno kamakailan na ang batas na Universal Access to Quality Tertiary Education, na
nagbibigay ng libreng free college education, ay hindi kayang patuloy na suportahan ng
gobyerno, dahil sa kakulangan ng sapat na pondo.


Sinabi pa ni Diokno na dapat mag-focus ang gobyerno para mapahusay ang sistema ng
edukasyon sa bansa, kung nais nito ang quality education. Idinagdag pa niya na ang libreng
college education ay “wasteful” o aksayado.


Idiniin pa ng Finance chief ang college admission tests ay dapat nakatuon sa mga mahihirap
na estudyante para mabigyan sila ng scholarship sa SUCs.

About Author

Show comments

Exit mobile version