“Engot”, “nag-grade-two ka ba mayor?”, at iba pang may kabastusang posts ang sinabi ng ilang
kabataan sa Bayambang, Pangasinan sa kanilang mayor na si Niña Jose.
Hindi ito pinalampas ni mayor Jose – na dating talent ng ABS-CBN at naging PBB: Teen Edition
1 housemate – nang sagutin niya ang bastos na patutsada ng ilang kabataan sa bayang
nasasakupan niya.
Pero sinagot niya ito sa mahinahong paraan, kahit na maaanghang at walang paggalang ang
ilang social media posts laban sa kanya.
Ipinost ng actress-turned-politician sa Facebook ang screenshots nang pakikipag-diskusyon
niya sa mga estudyante, na lumait sa kanyang pinag-aralan. At tinawag pa siyang “engot” ng
mga ito.
Ang pambabatikos ay nag-ugat sa hindi pagsuspindi ni Jose ng klase kahit na patuloy ang pag-
ulan.
Part ng comment ng lalaking estudyante: “nag grade2 kaba mayor hahaha”.
Sagot ni Niña na kumuha siya ng master’s degree. Sinabihan din niya ang estudyante nang
“you lack respect, boy!”
Samantala, naging aktibo si Niña sa mga programa ng ABS-CBN magmula 2006-2011, at sa
TV5 magmula 2011-2013. Isa rin siya sa pangunahing tauhan ng 2008 movie, Shake, Rattle,
and Roll X.
Sinabi ng isang retired media practitioner na hindi raw dapat pinatulan ni Jose ang ganoong
mapanglait na mga kabataan, para matigil na ang isyu. Dapat ding sulatan ang principal ng
paralan para sila mismo ang magdidisiplina sa mga bastos na estudyante. Dapat din siyang
mag-commission ng ilang aktibong young adults sa social media na siyang magtatanggol sa
kanya at sasagot sa lahat ng mga bash o pambabatikos.