Buntis na dating NPA rebel, nanawagan sa kapwa-buntis na rebelde

0

“HINDI pa huli ang lahat.”
Ito ang panawagan ng isang buntis na dating NPA rebel sa mga dati niyang kasamahan, na
iwan na ang kanilang ipinakikipaglaban at magbalik-loob sa gobyerno, para sa kinabukasan ng
kanilang ipinagbubuntis.


Ito ang binigkas ni alias Clarice, 21 taong gulang na ina ng apat-na-buwang sanggol, sa tatlong
araw na 1st Youth Leadership Summit (YLS) na nagtapos nitong Linggo. Ito’y ginanap sa Tanjay
City, Negros Oriental.


Sa isang panayam ng media, nanawagan si alias Clarice sa apat na buntis na dati niyang
kasamahan na sikapin nilang muling manumbalik sa pamayanan.


Idiniin niya sa mga buntis na kapag nanatili sila bilang NPA, mapipilitan nilang iwan ang kani-
kanilang bagong-silang na sanggol sa pamilyang hindi nila kilala, at malamang hindi na nila
makikita pa ang mga anak nila habangbuhay.


“Naging biktima rin ako nang kasinungalingan at mapanlinlang na propaganda ng NPA. Ginamit
nila ako, exploited, matapos nila akong pangakuan nang mas mahusay na buhay, na hindi
naman nangyari. Huwag kayong paloloko,” ani Clarice sa wikang Cebuano.


Sa ngayon, si Clarice at partner na si alias Jose ay tahimik na namumuhay sa isang sekretong
lugar matapos silang sumuko noong Mayo sa 11th Infantry Battalion, Philippine Army na naka-
base sa Siaton, Negros Oriental.

Ayon sa ulat ng isang human rights group, noong 2022, tinatayang halos 20 na mga kabataan –
na karamiha’y nag-aaral sa state colleges and universities – ang napatay sa enkwentro ng
militar o kaya’y iniulat na nawawala.


Sinabi ng isang dating rebelde na sinayang ng mga kabataang ito ang kanilang buhay, ang
kanilang kinabukasan sa pagsali sa rebeldeng grupo.

Kaya sila pinag-aral sa kolehiyo, para makatulong sa mga naghihirap na magulang at kaanak. Idinagdag pa niya na wala namang kahihinatnan ang kanilang ipinakikipaglaban, dahil malupit, mapaniil, at walang awang pumapatay ang gobyernong Komunista, katulad nang nangyayari sa ngayon sa bansang Tsina.

About Author

Show comments

Exit mobile version