Planong paghihiwalay sa Mindanao, itigil — Marcos

0

INIUTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itigil na ang planong maghihiwalay sa
Mindanao sa Pilipinas.


Ito raw ay malinaw na paglabag sa ating Saligang Batas at hindi ito sumasalamin sa
Bagong Pilipinas na isinusulong ng kanyang administrasyon, kundi magre-resulta sa
malawak na kaguluhan at pagkawatak-watak ng bansa.


“I strongly appeal to all concerned to stop this call for a separate Mindanao. It is a
grave violation of our Constitution. Hindi ito ang Bagong Pilipinas na ating hinuhubog,
bagkus ito ay pagwasak sa ating bansang Pilipinas,” ayon pa sa Pangulo sa isang
talumpati sa Philippine Constitution Association at Manila Overseas Press Club, sa
Shangri-La, Makati, kamakailan.


Mabibigo lamang ang panawagang ito dahil mismong ang liderato ng Bangsamoro
Autonomous Region in Muslim ­Mindanao (BARMM) ang nagsabi na tinanggihan nila
ang panukala at hindi nila susuportahan ito, ayon pa kay Marcos.


‘I’’ve said it before and I’ll say it again. Our national territory will not be diminished,
even by one square inch. We will continue to defend from any threats, external and
internal. We will not allow even an iota of suggestion of its breaking apart,”
pagtatapos ni Marcos.

About Author

Show comments

Exit mobile version