Showbiz industry, nagluluksa sa pagpanaw ni Robert Arevalo

0

SA ISANG mundo na parang damit lang ang pagpapalit ng asawa, labis na iginagalang si
Robert Arevalo dahil tanging si Barbara Perez (kinilalang Audrey Hepburn ng bansa) ang
asawa niya.


Ibinalita kahapon ni Anna Ylagan, ang pagpanaw ng kanyang amang si Robert sa edad na 85.
Si Arevalo a.k.a. Robert Francisco Ylagan ay nagmula sa pamilya na may background sa
entertainment industry.

Ama niya si Tito Arevalo, isang mahusay na musician-composer. Nakapag-aral si Robert sa ilang prestihiyosong paaralan sa Maynila, pati na rin sa Ateneo de Manila (Business Administration).


Sa buong panahon ng kanyang pag-aartista, nakapag-iwan si Robert ng “gold standard” sa
pag-arte na naiambag niya sa pag-unlad ng industriya.

Tumatak ang kanyang roles sa mga pelikulang Hubad na Bayani (1977), Working Girls (1984), Yesterday’s Promise (1994), at The Portrait (2017).


Naiwan ni Robert ang kanyang asawa at mga anak na sina Anna, Georgina, at Christian.
Si Arevalo ay ibuburol simula Aug. 12 at 13 sa Solace Rooms 1 & 2, Arlington Chapels,
Araneta Ave., Lungsod Quezon.


Nakikiramay ang Brabo News sa pamilya ng isang dakila at kagalang-galang na alagad ng
sining, si Robert Arevalo.

About Author

Show comments

Exit mobile version