SI dating Interior undersecretary na si Martin Diño ay pumanaw na noong Martes, sa edad na 66
dahil stage IV lung cancer.
Ayon sa kanyang anak na si Liza Diño, ang kanyang tatay Martin ay hindi lamang isang mahusay na public servant, isa rin siyang mapagmahal na asawa, ama, kapatid, at kaibigan.
Sumikat ang barangay chair na si Martin nang pumutok ang balita na paulit-ulit na hinalay ng
kapitbahay na si Leo Echagaray ang kanyang na step-daughter noong 1994. Si Martin ang
tumayong guardian at protector ng 10 taong gulang na si Baby Echagaray. Noong 1999, isa si
Echagaray sa anim na binitay sa pamamagitan ng lethal injection.
Kilala bilang “Bobot” sa kanyang mga kaibigan, tumayo rin si Martin bilang Chairman ng Violence
Against Crime and Corruption.
Nakikiramay ang pamunuan at staff ng Brabo News sa pamilya Diño.