33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

WPS T-shirt ng 3 Senador sa FIBA, pinunang utak-monamon na netizens

UMANI nang matinding batikos mula sa netizens sina President Juan Miguel Zubiri, Senate
Majority Floor Leader Joel Villanueva at Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, matapos makita ang
larawan nito sa isang social media post noong makalawa.


Sa news report na lumabas sa CNN Philippines online, noong Setyembre 3, nakasuot ang
tatlong mambabatas ng itim na t-shirt na may nakasulat na “West PH Sea” kasama ang bandera
ng Pilipinas.


Walang nakikitang masama si Senador Francis Tolentino sa pagsuot nito ng mga senador,
habang pinapanood ang laban ng Gilas Pilipinas kontra China sa 2023 FIBA Wolrd Cup noong
Sabado.


“All of us have the right to freedom of expression,” pahayag ni Tolentino.
Pero, “Unprofessional” daw ito ayon sa isang netizen.


Ang hirap talaga sa mga taong kakaunti lang ang alam, basta makapag-comment para maka-
epal, kahit pointless. Kailan naman naging “unprofessional” para kina “Bato” ang pagsusuot ng
t-shirt na ito? Ang nakasulat na “West PH Sea” sa t-shirt ay walang anumang pag-aangkin na
sa atin ang WPS.


Ayon pa sa isang netizen, “I’m all for protesting and asserting our rights in the WPS. However, I
don’t think that sports is the right venue. Those are Chinese athletes, not the Chinese
Communist Party.

BASAHIN  Pulisya: Aksyon agad vs road rage – Cayetano


Symbolical po ang mensahe ng t-shirt at hindi literal. Inuulit ko, walang anumang pag-aangkin sa
WPS ang text nito. Paano ito maiintindihan ng Chinese basketball players – na karamiha’y hindi
nakakaunawa ng English – ang neural na mensaheng nasa t-shirt? Eagle-eye ba sila kaya kahit
across the court, nababasa nila ang maliit na letra sa t-shirt?


Tinawag pa sa posted picture na “ineffective and trivial”. Worst, tinawag din ng ilan sina
Senador Villanueva at Dela Rosa na “walang utak”. Ang mas bastos pa rito, tinawag din ang
tatlo na “idiots”.


Illogical, bastos, at puro pagpapa-epal lang ang alam ng netizens na ito. Sa halip na
mambatikos, dapat nag-alok sila ng posible at mapayapang solusyon sa issue ng WPS. Ang
mga taong puro ngakngak at walang lohika sa pagbatikos sa tatlong senador, ay tila tumatayong
spokespersons ng Komunistang China. On-the-take kaya sila? HM?


“Sayang, the senators could have used this event (Gilas-China game) as an opportunity to
engage in meaningful dialogue with their Chinese counterparts.”
Hello? Excuse me?


Ang WPS issue ay isang seryosong usapin at dapat naka-focus ang bawat partido para mag-
usap, sa isang athmosphere na walang anomang distraction o nakabibinging sigawan ng
mahigit 10,000 Filipino fans. Utak monamon ang netizen na ito, na nag-aastang marunong.

BASAHIN  Recto, bagong Finance Secretary

It appears na gradweyt siya sa Recto University o kaya sa Alibangbang beernical institute sa
Cubao.


Inuulit ko po, halos lahat ng miyembro ng Chinese basketball team ay hindi nakakaintindi ng
English, ganoon din ang karamihan sa mga Tsino na nasa kanilang bansa. Kaya hindi na dapat
pang gawing isyu ang ganito kaliit na bagay, lalo na ng mga utak-monamon na umaastang
eksperto sa diplomasya.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA