1 target, 3 bebot sumabit sa buy bust sa Pasay

Share

Nalambat ng Pasay City Police Station Drug Enforcement Unit (DEU) ang apat na suspek sa illegal drugs operations kabilang ang isang target na tulak habang sumabit ang tatlong bebot sa isinagawang  buy bust operation, kamakalawa sa Central Park Tower sa Pasay City.

Target ng DEU ang tulak na si Roldan Monte De Ramos, 43-anyos, ang nahuli sa kahabaan ng Central Park, Tower 1, Jorge Street, Barangay 132, Zone 13, Pasay City bandang 1:30 Lunes ng hapon.

Tiyempong nahuli naman ang tatlong bebot na sina Ayesha Bautista y Del Rosario, 25-anyos, Reynalyn Dela Cruz y Cruz, 35-anyos at Marjorie Juyo y Buragay, 31-anyos sa ginagawang pot session.

BASAHIN  5 sugarol nahulihan ng baril, iligal na droga sa Rizal

Agad na dinampot ang mga suspek at nakumpiska ang limang sachet ng shabu na may timbang na 22 gramo na nagkakahalaga ng ₱149,600.00 na nakalagay sa isang  eyeglass case, isang digital weighing scale, disposable lighters  aluminum foil at dalawang Vivo cellphones.

Kasaluluyang nakakulong ang apat na suspek sa Pasay City Police Custodial Facility habang ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa SPD Forensic Unit.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

817 adik napakulong ng QCPD

Umabot sa 817 drug suspects at nasa P41,124,151.60 halaga ng illegal drugs ang nasabat ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ikinasang serye...