SINABI ni Senador Francis Tolentino na dapat ibalik ni dismissed cop Wilfredo Gonzales ang
kabuuang halagang natanggap niya sa Philippine National Police (PNP) bilang retirement pay.
Sa isang TV interview kamakailan, sinabi ng Senate Committee on Justice and Human Rights
chair na hindi raw dapat tumanggap ng anumang retirement pay ang sinomang pulis na-dismiss.
Matatandaang nag-viral ang video ni Gonzales noong Agosto 28 dahil sa pambabatok at
pagkakasa nang baril sa isang siklista noong Agosto 8, dahil sa away-trapiko.
Ayon kay Atty. Raymond Fortun, sa isang pagdinig sa Kongreso, wala raw puwang sa ating
lipunan ang mga taong bayolente na gumagamit ng labis na dahas sa simpleng away-trapiko
lamang.
Ayon sa isang source, pineke raw ni Gonzales ang kanyang clearance kaya siya nakapagretire
noong 2016 at nakakuha ng kabuuang retirement pay para sa PO1, matapos ang halos 20
taong serbisyo sa PNP.
Nakatakdang humarap si Gonzales, pati na ang siklista sa pagdinig sa isasagawa ng Senado sa
linggong ito.