33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Romualdez: Inspeksyon sa mga bodega ng bigas, patuloy

TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na patuloy ang pagsasagawa ng
surprised inspection sa mga bodega ng bigas para mahanap ang iniipit na suplay na
lumilikha ng aritificial shortage.


Noong Agosto 24, magkasamang sinuyod ng ilang kongresista at opisyal ng Bureau of
Customs (BoC) ang mga malalaking bodega sa Bulacan at nakatuklas ng 200,000
sako na iniipit na bigas, na may halagang P500 milyon.


Ayon kay Romualdez dahil sa close coordination ng Kamara at BoC sa pamumuno ni
Commissioner Bienvenido Rubio, naging matagumpay ang naturang operasyon..


Hinikayat ni Romualdez na isumbong sa kinauukulan ang rice hoarders, na isa sa mga
dahilan kung bakit umabot mula sa P50 – P62 kada kilo ng bigas.

BASAHIN  DOH, nagbabala laban sa 'Pautang sa Malasakit Center'


Ayon pa Romualdez, “Lahat ng Pilipino ay kumakain ng kanin. Kung may matapon o
masayang na kahit kaunting bigas sa pagsasaing, nanghihinayang tayo.

Kaya napakasakit at nakakapanggalit talaga itong ginagawa ng rice hoarders.”

BASAHIN  Bilang ng nabubuntis bago at pagkatapos ng pandemya, bumaba

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA