Nalambat ng Caloocan City Police ang kinikilalang Most Wanted Person sa bisa ng Warrant of Arrest makaraang makita ang akusado sa ikinasang manhunt operation sa Barangay Apolonio Samson, Balintawak, Quezon City.
Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni PCol. Ruben B Lacuesta, hepe ng Caloocan City Police, nakilala ang suspek na si Juver Ordinario y Peralta, 44-anyos, baker at residente ng Kaingin Road, Barangay Apolonio Samson, Balintawak, Quezon City.
Sa pakikipag-ugnayan ng Caloocan Police sa Quezon City Police District, isinagawa ang joint manhunt operation laban sa suspek bandang 5:40 Sabado ng madaling araw sa kahabaan ng Aniceta St. corner Kaingin Road, Barangay Apolonio Samson, Balintawak, Quezon City.
Ayon sa report, naging matagumpay ang manhunt operation at nalambat ang suspek at inihain ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Ma. Teresa De Guzman Alvarez, Presiding Judge, RTC Branch 131, Caloocan City na may petsang August 1, 2023 kaugnay sa kasong Rape sa ilalim ng Article 266-A (1), in relation to Article 266-B ng Revised Penal Code.
Dinala ang suspek sa Caloocan City Medical Center para sa physical and medical examination at sa Intelligence Section para sa documentation ng kaso.
Kasaluluyang nakakulong ang suspek sa Caloocan custodial facility.
Samantala, pinarangalan ni PBGen. Rizalito Gapas, District Director ng Northern Police District (NPD) ang lCaloocan City Police Station (CCPS) sa ilalim ng pamumuno ni PCol. Ruben Lacuesta sa maayos na paghuli sa suspek.