Most Wanted Person nalambat sa  Caloocan

Nalambat ng Caloocan City Police ang kinikilalang Most Wanted Person sa bisa ng Warrant of Arrest makaraang makita ang akusado sa ikinasang manhunt operation sa  Barangay Apolonio Samson, Balintawak, Quezon City.

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni PCol. Ruben B Lacuesta, hepe ng Caloocan City Police, nakilala ang suspek na si Juver Ordinario y Peralta, 44-anyos, baker at residente ng  Kaingin Road, Barangay Apolonio Samson, Balintawak, Quezon City.

Sa pakikipag-ugnayan ng Caloocan Police sa Quezon City Police District, isinagawa ang joint manhunt operation laban sa suspek  bandang 5:40 Sabado ng madaling araw sa kahabaan ng Aniceta St. corner Kaingin Road, Barangay Apolonio Samson, Balintawak, Quezon City.

Ayon sa report,  naging matagumpay ang manhunt operation at nalambat ang suspek at inihain ang  warrant of arrest  na inisyu ni Hon. Ma. Teresa De Guzman Alvarez, Presiding Judge, RTC Branch 131, Caloocan City na may petsang August 1, 2023 kaugnay sa kasong Rape sa ilalim ng Article 266-A (1), in relation to Article 266-B ng Revised Penal Code.

Dinala ang suspek sa  Caloocan City Medical Center para sa physical and medical examination at sa Intelligence Section para sa documentation ng kaso.

Kasaluluyang nakakulong ang suspek sa Caloocan custodial facility. 

Samantala, pinarangalan ni PBGen. Rizalito Gapas, District Director ng Northern Police District (NPD) ang  lCaloocan City Police Station (CCPS) sa ilalim ng pamumuno ni PCol. Ruben Lacuesta sa maayos na paghuli sa suspek.

IBA PANG BALITA

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...