Bawal: Pakikipag-selfie ng mga pulis sa NBA stars

0

“Trabaho lang, walang selfie.”

Ito marahil ang iniutos ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa mahigpit
nitong pagbabawal na makipag-selfie kasama ang mga manlalaro ng FIBA World Cup
2023 na nasa bansa.


Sinabi ni PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, na priority ng bawat pulis na
gampanan ang kani-kanilang trabaho sa pagbibigay-seguridad sa mga manlalaro,
maging sa mga manonood. Pwede raw mawala ang pokus ang mga pulis sa kanilang
trabaho sa sandaling makipag-selfie.


Aniya pa, maraming pulis ang posibleng hindi makakatiis na hindi makipag-selfie sa
international players, lalo na sa Team USA na kinabibilangan ng mga sikat at batang
basketbolista.


Ayon pa kay Fajardo, dapat tiyakin lamang ng mga pulis ang kanilang misyon na
bigyang seguridad ng mga manlalaro, coaches at iba pang kabilang sa bawat
delegasyon mula sa airport billeting areas, hanggang sa mga lansangang daraanan ng
kanilang convoy.


Papatawan ng administrative sanctions ang sinomang pulis na mahuhuling nakikipag-
selfie, lalo na kung ito’y nai-post sa social media.


Samantala, binuksan kahapon sa Philippine Arena, Bulacan, ang FIBA World Cup
basketball championship.


Dito rin ginanap ang FIBA 3×3 World Cup 2018 pati na sixth FIBA World Cup Qualifier
window noong nakaraang Pebrero.


Nakatawag-pansin sa Filipino fans ang Fil-Ams na sina Jordan Clarkson, point-guard
ng Utah Jazz at Erik Jon Spoelstra, assistant coach ng US team at head coach ng Miami
Heat sa NBA.

About Author

Show comments

Exit mobile version