33.4 C
Manila
Sunday, December 15, 2024

May tensyon pa rin sa transfer ng 14 na paaralan sa Taguig?

NAALARMA ang ilang guro, magulang, at estudyante sa pahayag ng isang grupo ng mga guro
na nanawagan sa maayos na paglilipat ng 14 na paaralan sa 10 barangay mula Makati
‘tungo sa Taguig City.


Nais lang daw ng mga magulang na matiyak na makapapasok ang kani-kanilang anak sa
paaralan sa Agosto 29 at matanggap ang katulad na benepisyo na dating ibinibigay ng
Makati.


Mayroong 30,000 estudyante at 1,500 guro ang 14 na paaralan na nasa 10 EMBOs, o
enlisted men’s barrios, na ang teritoryo ay iniutos ng Korte Suprema (KS) na isailalim sa
hurisdiksyon ng Taguig.


Nagpasalamat si Benjo Basas, chair ng koalisyon kay Vice President at Education Secretary
Sara Durtere sa agarang pagsasailalim sa kontrol ng ahensya ang mga nabanggit na
paaralan.

BASAHIN  Serbisyong hatid ng PCUP, iba pang ahensya patok sa mga maralitang taga-Caloocan


Matatandaang, kamakailan, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan nina Makati
Mayor Abby Binay at Taguig Mayor Lani Cayetano tungkol sa hurisdiksyon ng 14 na
paaralan, hanggang sa dumating sa puntong nais kasuhan ng una ang Taguig dahil ang
lupain daw at mga gusali ng paaralan ay pag-aari ng Makati at hindi kasama sa utos ng KS.


Humupa lamang ang tensyon nang pumasok si Durtete at isinailalim sa pansamantalang
pamamahala ng DepEd ang 14 na paaralan.

BASAHIN  Belmonte, Sandoval, Da best mayors sa NCR

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA