IPAGDIRIWANG ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang kanyang ika-50 taong
anibersaryo sa showbiz ngayong buwan.
Ito ay isang twin celebration dahil ipagdiriwang din ng senador ang kanyang ika-57 na
kaarawan sa Setyembre. Tiyak na magiging super bongga ito at dadaluhan hindi lang
ng sikat na celebrities kundi maging ng mga pulitiko, partikular ang mga kasama niya sa
Senado.
Noong 1973, seven years old pa lang si Bong, nang una siyang lumabas sa pelikula.
Tiagong Akyat ang pamagat nito, produced ng Imus Productions at pinagbidahan ng
kanyang amang si Ramon Sr., kasama si Aurora Salve. Noong si Bong ay 14 years old,
tumatak sa kanyang fans ang galing nito sa pag-arte, sa Bianong Bulag, starring
Ramon Sr. at ni Charito Solis.
Inilunsad si Bong bilang full-pledge actor noong 1983 sa pelikulang Dugong Buhay, ng
Lea Productions, kasama ang kanyang ama.
Personal na pinili si Bong ng the late Fernando Poe Jr. (FPJ) na gumanap sa lead role
sa Ang Panday na isa ring blockbuster movie. Ito ay unang nai-produced noong 1980 na
pinagbidahan ni FPJ, bilang Flavio, na siya ring prodyuser at direktor ng pelikula.
Ang pelikulang ito ay base sa fictional comics character na nilikha ni Carlo J. Caparas.
Nasundan pa ng tatlong sequels ang Ang Panday noong 1981, 1982 at 1984.
Noong 2009, gumanap si Bong sa ika-lima sa serye ng Ang Panday. At katulad din ng
mga naunang Panday, tumabo ito nang husto sa takilya. Kinagiliwan ito hindi lamang sa
mahusay at makatotohanang pagganap ni Bong, kundi maging ng kakaibang special
effects.
Ayon sa senador, ang sikreto raw ng kanyang mahusay na pag-arte ay ang maingat na
paghubog sa kanya ng ama, ang the late Senator Ramon Revilla Sr.