UMABOT na sa 114 milyon ang nairehistrong subscriber identity module (SIMs) cards nong
Hulyo 25.
Ayon sa datus ng National Telecommunications Commission (NTC), 114 milyon ang
kumakatawan sa 68 percent ng ng kabuuang bilang ng 168 milyon SIMs sa buong bansa.
Ito’y nangangahulugan na 54 milyong SIMs ang hindi na magagamit o deactivated.
Nangunguna pa rin ang Globe Telecom Inc. na may halos 54 milyong rehistradong SIMs, na
mas mataas ng 1.2 milyon kaysa 52.5 milyon ng Smart Communications Inc.
Sa loob ng limang araw na grace period o Hulyo 30, umabot sa apat na milyong deactivated
SIMs ang na re-activate.
Sa isang survey, marami ang nagpa-rehistro sa araw mismo ng deadline dahil natatakot ang
mga ito na mabiktima ng identity theft at scam, samantalang ang iba ay masyadong busy sa
trabaho o mahahalagang bagay.
Samantala, ipinagmalaki ng Smart na 80 percent (52.2 milyon) sa kanilang subscribers ang
nakapagrehistro ng SIM, higit na mataas kaysa kanilang mga kumpetitor.