33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Libreng wifi sa Mcdo Resto

NAKIPAG-PARTNER ang Converge ICT Solutions Inc. (Converge) sa Golden Arches Development
Corp. (GADC), franchise holder ng McDonald’s Philippines, para malagyan ng internet connection
ang mahigit 40 percent ng mga sangay ng Mcdonald’s sa buong bansa.


Magmula noong 2015, naging customer na ng Converge ang GADC at kasalukuyang provider ng
wifi services sa halos 40 percent ng mahigit sa 700 sangay ng McDonald’s sa buong bansa.


Balak ng GADC na magtayo ng isang sangay bawat linggo o 50 outlets sa taong ito.


Ang Converge ay partner ng McDonald’s Philippines’ sa digital transformation sa pamamagitan
nang paglalagay sa mga opisina at sangay nito ng network connectivity na kailangan sa
omnichannel, na naglalagay sa mga customer nito sa next level, gamit ang sistemang NXTGEN.

BASAHIN  Converge, may DTH services na


NXTGEN ay sangay ng McDonald’s na may dalawang counter – digital menu boards at self-order
kiosks, na pwedeng tumanggap ng iba’t ibang uri ng digital payments, gaya ng GCash.

Sa ngayon, mahigit 60 percent ng McDonald’s resto ay may NXTGEN system.

BASAHIN  40-M bariles ng langis, nasa Palawan Cadlao field

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA