Gawing prayoridad ang pag-unlad ng sakahan – PBBM

0

IDINIIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Sabado ang kahalagahan ng paglalagak ng
puhunan sa pagpapa-unlad ng produksyon at modernisasyon ng sektor ng agrikultura.


Sa isang talumpati na binasa ni Presidential Asst., Northern Luzon U/Sec. Ana Carmela Remigio noong Huwebes, sinabi ng Pangulo na mahalagang ma-prioritize at maisulong ang pagpapa-unlad ng lupaing pang-agrikultural dahil hindi lamang ito magbibigay ng masaganang ani sa mga magsasaka, lilikha pa ito ng positibong epekto sa ekonomiya ng buong bansa.


Sa ika-36 taon ng pagdiriwang ng Araw ng Cordillera, sinabi ni Marcos na, bilang Pangulo at Kalihim ng Agrikultura, walang-humpay siyang kumikilos para mabigyan ng pangunahing pansin ang pagpapa-unlad ng ating sektor ng agrikultura.


Sa pagtatayo ng infrastructure at pagpaparami ng mga kalsada at tulay na mag-uugnay sa ating mga magsasaka (sa merkado), ang ating mga bukirin ay hindi lamang makapag-aani nang higit, makalilikha pa ito ng positibong epekto sa ekonomiya ng buong bansa, pagwawakas ni Marcos.
Hindi nakadalo ang pangulo sa pagdiriwang dahil sa masamang panahon ayon kay Apayao Governor at RDC-CAR chair Elias Bulut Jr. Nais daw dumalo ng Pangulo pero ang masamang panahon ang nakapigil sa kanya.

About Author

Show comments

Exit mobile version