Magna cum laude sa Bulacan, nag-gradweyt na ‘patay’

KAHIT sino’y maiiyak kapag nakapanood sa TV ng balita tungkol sa isang college o high school
gradweyt na namatay bago sumapit ang araw ng graduation.


Pero kabaliktaran and graduation story ni Jaecee Yong ng Bulakan, Bulacan. Ito ay naging
katatawanan hindi lamang sa kanilang komunidad kundi maging sa social media.


Nagtapos si Jaecee ng Bachelor of Science in Psychology, class 2023 sa Bulacan State University,
magna cum laude.


Bakit nga ba naging katatawanan ang kanyang graduation?


Super-eksena kasi ang ginawa ng tarpaulin na inilatag ng kanyang relatives sa kotseng sinakyan nila patungong graduation ceremonies – ito ay may malaking picture niya. Ito ay dahil sa mismong hood ng kotse itinali ang tarpaulin na may larawan ni Jaecee, na mistulang may ihahatid sa huling hantungan.


Nagtanong pa ang ilang ka-barangay kung sino ang ililibing nang nakita ang kotseng may tarpaulin at nagpaabot pa nang pakikiramay.


Hindi raw inaasahan ni Jaecee ang pagdating ng sasakyan na may tarpaulin na may pagbati sa
kanyang pagtatapos.


Bagamat natawa sa nangyari, nilinaw ni Jaecee sa kanyang Facebook page, “Hindi pa ako patay, ga-graduate pa lang”. He, he, he!

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...