Basbas sa same-sex couple OK na sa Vatican

0

TALIWAS sa dating pananaw nito, isang opisyal na dokumento ng Vatican ang nagsasabi na kinikilala nito at binabasbasan ang same-sex couple. Ang “mga hindi normal na sitwasyon” katulad nito ay naglalarawan nang malugod na pagtanggap ng Diyos.

Hindi raw ito dapat magdulot ng kalituhan sa heterosexual marriage o pag-aasawa sa pagitan ng lalaki’t babae, dagdag pa ng dokumento. Pero ang desisyon sa pagbasbas ay dapat gawin on a case-to-case basis; pero hindi nilinaw ng Vatican ang aktuwal na basehan nito.

Hati ang pananaw ng mga pari sa buong mundo sa anusyong ito ng Vatican.

Matapos ang opisyal na pahayag ni Pope Francis, ilang same-sex couple ang binasbasan ng pari sa New York, U.S.A.

Nitong Lunes, inilabas ng Vatican ang eight-page document na On the Pastoral Meaning of Blessings.

Sa ilalim ng 11-puntong seksyon, ipinaliwanag nito kung paano gagawin ang Blessings of Couples in Irregular Situations and of Couples of the Same sex.

Sinabi pa ng Papa na hindi raw dapat pigilan ang sinoman na lumapit sa simbahan para hilingin ang tulong ng Diyos mula sa mga pari sa pamamagitan nang isang basbas.

Samantala, sinabi ng isang researcher na hindi dapat inilalagay ni Pope Francis sa kanyang bibig ang mga salita na nagpapahiwatig na katanggap-tanggap sa Diyos ang same-sex union.

Kabaliktaran daw ito sa sinasabi ng 1 Corinthians 6:9, ng The Catholic Living Bible (Imprimatur 1976) na nagsasabi: “Don’t you know that those doing those things have no share in the Kingdom of God? Don’t fool yourselves, those who live immoral lives, who are idol whorshippers, adulterers or homosexuals — will have no share in his kingdom.”

About Author

Show comments

Exit mobile version