NAGSIMULA na ang mahinang El NiƱo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and
Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ang terminong El NiƱo (o Batang Kristo) ay nangangahulugang pag-init sa ibabaw ng karagatan
o mas mataas na temperatura kaysa karaniwan sa gitna at silangang tropikal na bahagi ng Pacific
Ocean.
Unang naglabas ng El NiƱo Advisory ang PAG-ASA noong Mayo 2.
Ayon pa sa PAGASA, sa ngayon ay mahina pa ang El NiƱo pero magpapakita ito nang paglakas
sa darating ng mga buwan. Pahihinain din ng El NiƱo ang mga pag-ulan sa maraming bahagi ng
bansa.
Pinaghahanda ng ahensiya ang publiko sa magiging epekto nito, lalo na sa sektor ng agrikultura,
enerhiya, kalusugan, at lahat ng nasa food production at manufacturing.