IPINANUKALA ni Rep. Luis Raymund Villafuerte Jr. ang House Bill (HB) 8302 na magpaparusa sa
engineers, architects, o contractors na gagamit na substandard o mahinang klaseng materyales sa
kanilang construction project.
Ayon HB 8302, sakop nito ang lahat ng construction projects, gobyerno man o maging sa pribado. At may pananagutang sibil at kriminal ang lahat ng contractors at sub-contractors sa loob ng 15 taon pagkatapos ng construction, kapag ang istraktura ay bumagsak o nangangailangan ng major repair, at kapag napatunayan na gumamit ng substandard construction process o substandard na
materyales ang mga sangkot.
Kapag ang construction ay ginawa ng isang sub-contractor, siya at ang principal contractor ay kapwa managot sa anomang danyos-perhuwisyo na igagawad ng korte.
Ang pormal na pagtanggap ng may-ari sa natapos na istraktura ay hindi magsisislbing waiver o pag-alis ng karapatan ng may-ari para magreklamo.
Mayroong hanggang 10 taon ang may-ari para magreklamo kung ang building ay bumagsak o nag-collapse.
Ayon kay Engr. J. Rosario, dapat bigyang-prayoridad ng Kongreso ang panukalang-batas ni Cong.
Villafuerte dahil kulang sa ngipin ang probisyon ng Article 1723 ng Civil Code tungkol dito.