33.4 C
Manila
Tuesday, February 25, 2025

Siga sa Pasig kalaboso sa droga, baril

KALABOSO ang isang nagsisiga-sigaan sa Barangay San Miguel matapos mahulihan ng mga awtoridad ng iligal na droga at baril sa isinagawang search warrant operation noong Pebrero 22, 2025.

Sa ulat na nakarating kay PCol. Villamor Tuliao, director ng Eastern Police District (EPD) mula kay PCol. Hendrix Mangaldan, chief of police ng Pasig City, kinilala ang suspek na si alyas “Jirwen,” 28 na taong gulang.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Executive Judge Achilles Bulauitan ng Regional Trial Court (RTC) Branch 154 ng Pasig City, nakumpiska mula sa suspek ang isang .38 kalibre ng baril at isang sachet ng pinaghihinalaang shabu na may street value na P6,800.

Sinabi pa ni Tuliao na nahuli na rin ang suspek sa kahalintulad na kaso at sumailalim sa isang rehabilitation program ng pamahalaan noong 2022 ngunit bumalik rin sa bisyo.

BASAHIN  10K trabaho alok sa Mega Job Fair ng Malabon

Naging dahilan umano na imbestigahan at manmanan ang suspek ng mga awtoridad nang makatanggap ito ng ulat mula sa mga concerned citizen na nagsisiga-sigaan umano ang suspek sa kanilang barangay.

Ayon pa sa ulat, ginagamit umano ng suspek na pananakot sa mga kabarangay at sa mismong mga kapamilya nito ang baril na nakumpiska mula sa kaniya kaya agad na nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad.

“Ang pagkasangkot ng suspek sa iligal na droga at pagdadala ng baril ay nakakatakot at nakaka-alarma. Kaya nagdulot ng kapayapaan at seguridad sa kanilang komunidad ang pagkahuli sa suspek na ikinatuwa naman ng kaniyang mga kapamilya at ka-barangay,” ang pahayag ni Tuliao.

Pinoproseso na ang mga kasong paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek habang ito ay nakakulong sa custodial facility ng Pasig City Police Station.

BASAHIN  MMDA motorcycle driving academy, bukas na

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA