33.4 C
Manila
Saturday, February 22, 2025

2 estudyante sa Pasig kinadyot ng saksak ng kapuwa estudyante

NASA kritikal na kondisyon ang isang menor-de-edad na estudyante ng Rizal High School at nasa maayos naman na kalagayan ang isa pa matapos saksakin ng kapuwa estudyante na nakaalitan nito sa labas ng eskuwelahan sa Brgy. Caniogan pasado alas-2 ng hapon, Pebrero 20, 2025.

Ayon sa ulat ni PCol. Hendrix Mangaldan, chief of police ng Pasig City, pitong children in conflict with the law (CICL) ang nasangkot sa nangyaring rambolan sa River Boulevard na boundary ng Brgy. Caniogan at Brgy. Kapasigan.

Sa isang viral video, makikita na may dalang ‘four fingers’ ang biktima (Victim No. 1) na nakasuot ng puting uniporme at nakipagsuntukan sa isang estudyante na nakasuot ng brown uniform (Suspect No. 2).

Nang matapos ang suntukan makikita sa video na duguan si Victim No. 1 nang hindi nito namalayan at saka niya lang napagtanto na siya ay sugatan nang nakita ito ng mga kasamahan at nagsigawan na may tama ito sa ilalim na bahagi ng dibdib.

Agad na umeskapo ang di pinangalanan na si Suspect No. 1 na nang dakong huli ay may nasaksak pa pala itong kakampi ni Victim No. 1 sa likurang bahagi ng katawan na agad naman isinugod sa Child’s Hope Hospital.

BASAHIN  Sagupaan ng NPA at Militar sa Masbate, mariing kinondena ni VP Sara

Sa isang panayam sa telepono ng Saksi Ngayon kay Richard Santos, principal ng nasabing eskuwelahan, nag-ugat umano ang alitan nang magkasagian si Victim No. 1 at si Suspect No. 2 habang papalabas ng kwarto at itinuloy ang nasabing alitan sa labas ng eskuwelahan.

“Naglabas na ang ating pamunuan ng kautusan na simula bukas, Pebrero 21, ay paiigtingin pa ng kanilang security team ang pagbabantay at pagtsi-tsek ng mga bag sa lahat ng gate ng paaralan,” ayon pa kay Santos.

Nakiusap naman si Mangaldan sa mga magulang na maging aktibo [sa pag-monitor] sa araw-araw na buhay ng mga anak lalo na sa modernong panahon ngayon na mas higit [na] kailangan ng gabay, aruga at kalinga.

Samantala, naglabas naman ng pahayag si Mayor Vico Sotto na kinokondena nito ang nangyaring karahasan at nakikipag-ugnayan na aniya ang lokal na pamahalaan sa Pasig Police at Schools Division Office ng lungsod kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon.

BASAHIN  Binata pinagbabaril ng riding-in-tandem sa Pasig

Sa huling impormasyon, inilipat na si Victim No. 1 mula sa Child’s Hope Hospital patungo sa Pasig City General Hospital (PCGH) samantalang nahuli ng Pasig PNP sa isang manhunt operation si Suspect No. 1 at nasa kustodiya na rin ang iba pang sangkot at nakikipag-ugnayan na sila sa City Social Welfare Department. 

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA