33.4 C
Manila
Wednesday, January 15, 2025

Angara sa mga kontra CSE: Bukas ang DepEd sa inyong mga mungkahi

INIHAYAG ni DepEd Secretary Sonny Angara na bukas ang pamunuan ng ahensiya sa anumang mungkahi kaugnay sa viral video na tumatalakay sa Comprehensive Sexuality Education (CSE) program na inihain sa senado.

Ang tinutukoy ni Angara ay ang video na ipinalabas ng Project Dalisay Facebook page sa ilalim ng National Coalition for the Family and the Constitution (NCFC) kung saan tinututulan ng mga kilalang personalidad ang ilan sa mga probisyon sa nasabing programa.

Isa na rito si former chief justice Maria Lourdes Sereno, na nagsabing “gigisingin nito ang seksuwalidad ng mga kabataan sa murang edad.”

“Isa itong internasyonal na programa na itinataguyod ng UNESCO (United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization), UNFPA (United Nations Population Fund), at ng UNICEF (United Nations Children’s Fund), ayon pa kay Sereno na siya ring chairperson ng Philippine Council of Evangelical Churches Legal Advisory and Public Policy Review Commission.

Ilan pa sa mga sapilitang probisyon ng nasabing panukala ay na isasama sa diskusyon sa silid aralan ang tungkol sa masturbasyon mula edad 0-4, anal at oral sex para sa edad 16-18 at pakikipagkasundo sa pakikipagtalik.

“Hindi pa nga marunong tumawad sa palengke iyong mga anak natin pero ang ituturo natin is how to negotiate sex,” dagdag pa ni Sereno.

“Sisirain [nito] iyong pagka-inosente nila. Maraming gigisingin na mga bagay na hindi pa dapat ginigising,” ayon naman kay NCFC national director Caloy Diño.

BASAHIN  Single ticketing system sa Mandaluyong City kasado na

Ngunit ayon kay Angara, titiyakin ng Kagawaran na pangunahin nilang tututukan ang kalusugan at kapakanan ng mga kabataan kung saan malaki ang gagampanang papel ng DepEd sa paghubog ng kakayahan sa buhay, pagpapahalaga sa sarili at kabutihang asal.

“Nakatuon kami sa datos sa likod ng bawat polisiya. Kabilang na rito ang pinagdadaanan ng ating kabataan kagaya ng teenage pregnancy, HIV, at gender-based violence,” giit ni Angara.

“Sinisiguro ng Kagawaran na ang aming mga hakbang ay tumutugon sa pangangailangan ng ating mga mag-aaral, lalo na kung paano sila makitungo sa kanilang sarili at sa isa’t isa,” dagdag pa ng Kalihim.

Ang CSE ay inilakip sa Senate Bill No. 1979 o Prevention of Adolescent Pregnancy Act of 2023 kung saan isa si Angara sa mga awtor nito kasama sina Senador Risa Hontiveros, Imee Marcos, Ramon Revilla, Jr., Bong Go, Cynthia Villar at Raffy Tulfo.

BASAHIN  Mambabatas hinimok ang BFAR na tulungan ang mangingisda sa WPS

Ngunit nilinaw ni Angara na: “I have not filed any version of this. I was included as a co-author because, at the time the committee report was filed, I was the Chair of the Finance Committee, and the bill includes a section on appropriation.”

“Ano man ang aming tahak, naniniwala kami sa aktibong pakikilahok ng mga magulang sa pagkatuto ng ating mga mag-aaral,” pagtatapos ng dating senador.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA