Mag-utol na fixer sa LTO arestado

Share

ARESTADO ang magkapatid na babaeng fixer matapos ang isinagawang entrapment operations ng pinagsanib na puwersa ng Land Transportation Office (LTO), Quezon City Police District (QCPD) at ng Special Project Group ng Department of the Interior and Local Government (DILG), kahapon, sa Brgy. Pinayahan, Quezon City.

Pinapurihan ni LTO chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II ang mga operatiba at sinabing ang nasabing operasyon ay patunay lamang na siniseryoso ng ahensya ang labag sa batas na gawaing ito.

Sinabi pa ni Mendoza na ang pagkakahuli sa magkapatid na fixer ay alinsunod sa utos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na wakasan na ang mga iligal na gawain tulad nito.

Kinilala ang magkapatid na babae na sina Teresita dela Cruz, 58 at Kathleen Joy dela Cruz, na kapuwa nakatira sa Tondo, Manila.

Nag-ugat ang lahat matapos magreklamo ang isang 26-anyos na lalaki dahil hindi umano naipalabas ng magkapatid ang kanyang driver’s license sa kabila ng ₱5,800 na ibinayad nito noong Marso 8.

Nagduda na umano ang biktima at humingi ng tulong sa mga pulis dahil nanghihingi pa ang magkapatid ng karagdagang bayad na ₱1,350.

Kaagad na nagsagawa ng entrapment operations ang Intelligence and Investigation Division ng LTO sa pangunguna ng director nito na si Renante Militante, mga operatiba mula sa QCPD Station 10 sa pangunguna ni Police LtCol. Bob Amoranto at Police LtCol. Rolan Kingat hepe ng Office of the Internal Security-Special Project Group ng DILG sa ilalim ng Office of Secretary Benjamin  ‘Benhur’ Abalos, Jr.

BASAHIN  Holdaper sa Pasay City, nasakote sa Oplan Galugad

Batay sa imbestigasyon, natukso umano ang biktima na makipagtransaksyon sa mga suspek dahil sa malakas umano ang koneksyon ng dalawa sa loob ng LTO Central Office.

Nagbabala naman si Mendoza sa publiko at hinikayat na huwag patulan ang mga ipinapangako ng mga fixer at online scammers.

“Muli nating pinaaalalahanan ang publiko na mabilis na ngayon makipagtransaksyon sa LTO kaya huwag na tayong magpa-loko sa mga matatamis na salita ng mga fixer na ito. ‘Walang maloloko kung walang magpapaloko,’” ang pahayag ni Mendoza.

Dagdag pa ng LTO chief: “Maging babala na rin ito sa lahat na seryoso ang aming ahensya na kalusin ang mga fixers at scammers na isinasangkalan ang aming opisina.”

Nagbigay naman ng instruksyon si Mendoza sa lahat ng LTO Regional Directors na huwag tumigil sa kampanya laban sa mga fixers sa kani-kanilang mga nasasakupan at palakasin ang info drive sa publiko na umiwas sa mga fixer at online scammer.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng QCPD Station 10 sa Kamuning at nahaharap sa kasong kriminal kabilang na ang estafa.

IBA PANG BALITA

TESDA, STI nag-kolab para sa libreng AI training

ISANG kolaborasyon sa pagitan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at STI College (STI) ang nabuo upang itatag ang Artificial Intelligence (AI)...

Pinoy na jobless bumaba sa 2.58M nitong Marso 2026

NITONG nakaraang buwan ng Marso 2026, ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho ay nasa 2.58 milyon, mas mababa sa 2.66 milyon noong...

‘Training-to-Trabaho’ caravan ng TESDA patok sa Cebu

MAY kabuuang 811 Cebuanos ang naserbisyuhan ng Technical Education and Skills Development (TESDA) sa pamamagitan ng Kayang Kaya All-in-One Caravan na ginanap sa SM...

DWWW’s George Castro: Oldies but Goldies

WEIRDO! Ito ang tawag ng kanyang friends sa isang teenage fan ni George Castro, DJ ng DWWW, dahil mahilig itong makinig ng oldies but goldies...

Panibagong usapang pangkapayapaan sa NPA, ekis kay Teodoro

WALANG negosasyong magaganap sa isinusulong na panibagong usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at New Peoples Army (NPA), ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro...

Wanted na former PDEA agent, arestado

ARESTADO ang isang dating agent ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na 6 na taon nang pinaghahanap ng batas, sa mismong harap ng Hall...