2 holdaper arestado sa Malabon

0
329
2 holdaper arestado sa Malabon

ARESTADO ang dalawang holdaper na nambiktima at sumaksak sa 50-anyos na mister sa Malabon City, Linggo ng madaling araw.

 Nakilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Jessie”, 27,-anyos ng Kasarinlan St. Brgy. Muzon at alyas “Edison”, 20-anyos, ng Manapat St. Brgy., Tañong habang tinutugis pa ng pulisya ang isa nilang kasama.

Sa imbestigasyon nina P/SSg. Bengie Nalogoc at P/SSg. Michel Oben,naglalakad pauwi ang biktimang si alyas “Romel” ng Brgy. 8, Caloocan City bandang 2:30 ng madaling araw nang huminto sa kanyang harapan ang motorsiklong sinasakyan ng mga suspek sa Dagat-Dagatan Avenue corner P. Aquino St., Brgy. Longos saka tinutukan siya ng patalim at nagdeklara ng holdap.

BASAHIN  Marilaque Highway bantay-sarado na sa PNP-HPG, LTO

Tinangka namang pumalag ng biktima subalit, sinaksak siya sa mukha ni “Jessie” gamit ang isang barbecue stick, sabay hablot naman ng isa pa sa dala niyang sling bag na naglalaman ng P3,200 cash.

Mabilis na tumakas ang mga suspek habang nagawa namang makahingi ng tulong ng biktima sa pulisya na agad nagsagawa ng follow-up operation na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang holdaper.

BASAHIN  Mas mabilis na emergency response, hatid ng bagong fire sub-station sa Pasig na ikinasa ng Meralco at BFP

About Author