TILA raw ang panukala ni dating Pangulong Rodrigo Durterte na ihiwalay ang Mindanao
sa Pilipinas ay lumalabas na isang sedisyon.
Ito ang sinabi nina Camiguin Governor Xavier Romualdo at Camiguin Rep. Jurdin
Romualdo nitong Linggo.
Binalaan ng mag-amang opisyal na si Duterte at ang kampo nito na pwedeng magkaroon
nang pananagutang kriminal dahil sa panawagan ng dating Pangulo na “hiwalay at
independyenteng Mindanao”.
Nagbabala si Rep. Romualdo, ama ng Camiguin Governor tungkol sinabi ni Duterte na
dapat ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.
Ayon pa sa kongresista, ang panukala ay may “far-reaching effects on the values of
sovereignty, unity and rule of law in the Philippines”.
Sa isang press conference sa Davao noong Enero 31, binanatan ni Duterte ang
administrasyong Marcos. Binanggit pa niya ang panukalang ihiwalay na ang Mindanao sa
Pilipinas, dahil aniya, wala namang nangyari sa mga isla kahit na nagkaroon na ng
maraming Pangulo.
Ang panukala ay binanggit ni Duterte kasama si Davao del Norte First District Rep.
Pantaleon Alvarez, na tumayong Speaker of the House sa administrasyong Duterte.
Nagtataka raw si Gov. Ronaldo nang sabihin ni Duterte na hindi nagkaroon ng pag-unlad
ang Mindanao, samantalang siya mismo (Pangulong Duterte) ay naupo ng anim na taon.