PANSAMANTALANG sinuspinde ng Mandaluyong City local government unit (LGU) ang pangongolekta ng amusement tax para sa movies and films, base sa inilabas na City Ordinance No. 965, Series of 2024.
Ayon kay Mayor Ben Abalos Sr., ang pagsususpinde ng assessment, collection, at payment na 10% amusement tax sa mga locally produced movies ay ililibre pansamantala na aabot hanggang tatlong taon.
Nakasaad sa Ordinance na, “The City, as a form of support to the local film industry, has reduced or temporarily waived amusement taxes imposed upon particular film and movie producers and theatre operators within the City for numerous instances and on a case-to-case basis, evidencing its genuine intent to aid, assist, and provide means to the Philippine movie industry in achieving its highest artistic and financial potentials.”
Base pa sa city ordinance, effective immediately ang suspension period na walang magaganap na koleksyon ng 10% amusement tax sa mga locally produced films and movies sa loob ng tatlong taon.
Ang temporary tax suspension na tatlong taon ay nakalaan para sa mga pelikulang ginawa sa bansa at ipalalabas sa mga sinehan at movie houses sa Mandaluyong City lamang.
Paliwanag ni Abalos na ang kanilang city ordinance ay para masuportahan ang mga local film producers at filmmakers sa loob ng tatlong taon.
Layunin ni Abalos na makatulong sa mga film makers at makagawa pa sila ng mas maraming pelikulang Pilipino.