33.4 C
Manila
Monday, July 8, 2024

Phivolcs tiniyak na walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos ang malakas na lindol sa Japan

Tiniyak ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang banta ng tsunami sa bansa matapos ang magnitude 7.4 na lindol na tumama sa North Central Japan.

Dakong alas-3:10 kaninang hapon, oras sa Pilipinas, nang tumama ang malakas na lindol malapit sa west coast ng Honshu.

Matatandaang naglabas ng tsunami warning ang Japan Meteorological Agency sa bahagi ng western coastal regions ng Ishikawa, Niigata at Toyama prefectures.

Ibinabala pa ng weather agency na posibleng umabot sa limang metro ang tsunami na pinaniniwalaang aabot sa Noto,  Ishikawa Prefecture.

Maliban sa Japan, nagpalabas din ng tsunami warnings ang Russia sa ilang siyudad sa Vladivostok at Nakhodka.

BASAHIN  VP Sara mananatili sa gabinete ni PBBM

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA