10-minutong responde, 2 magnanakaw huli sa Bagong Calzada Cemetery

Share

LAKING pasasalamat ng isang biktima sa mga operatiba ng Taguig PNP dahil sa mabilis nitong pagresponde sa nangyaring pagnanakaw sa Taguig City, Abril 12, 2026.

Ayon sa biktimang si Jerome Yabut ng Ususan, Taguig City Malaki ang kaniyang pasasalamat dahil sa mabilis na pagresponde ng Police Substation 4 Ususan sa isang insidente ng pagpasok ng dalawang hindi awtorisadong indibidwal sa kanilang tahanan bandang alas-3:30 ng madaling araw.

Sinabi ni Yabut na rumesponde agad ang mga pulis sa loob lamang ng humigit-kumulang 10 minuto matapos ang insidente at kaagad na kumilos upang imbestigahan ang pangyayari.

Dahil sa mga CCTV footages mula sa Barangay Ususan at Barangay Tuktukan, natunton ang galaw ng mga suspek hanggang sa matukoy ang kanilang pinagtataguan sa Bagong Calzada Cemetery.

BASAHIN  1 target, 3 bebot sumabit sa buy bust sa Pasay

Agad na isinagawa ang follow-up operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at pagkakabawi sa mga ninakaw na mga cellphone.

Sagot naman ng Taguig City Police, ang tiwala ng mamamayan ay nagsisilbing inspirasyon nila upang ipagpatuloy ang kanilang mabilis at maayos na serbisyo para sa kaligtasan ng publiko. (AR Bernardo)

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Premyo sa Ultra Lotto 6/58, mahigit kalahating bilyong piso na

Pumalo na sa ₱566 million ang jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ito'y matapos walang makakuha sa winning combination...