Pulis pinarangalan dahil rumesponde kahit off-duty

Share

PINARANGALAN ngayong araw ng National Police commission (Napolom) si Patrolman Rodley L. Averilla bilang pagkilala sa kanyang ipinakitang katapangan at maagap na pagresponde sa isang insidente kahit siya ay off-duty.

Kasama si PCol. Marlon Santos, pinangunahan ni Napolom Commissioner Ralph Calinisan ang paggawad ng Certificate of Commendation kay Averilla kaugnay sa kanyang aksyon noong Abril 8, 2026 sa Sampaloc, Maynila.

Habang dinadala niya sa presinto ang isang menor-de-edad na hinihinalang sangkot sa pagnanakaw, siya ay inatake at nasugatan.

 Sa kabila nito, nanatili siyang matatag at ipinagpatuloy ang kanyang tungkulin patunay ng kanyang dedikasyon sa serbisyo.

Ayon kay Calinisan, ang tunay na paglilingkod sa bayan ay hindi nasusukat sa oras na ang isa ay naka-duty kundi sa kahandaang kumilos anumang oras para sa kapakanan at kaligtasan ng mamamayan.

BASAHIN  Manyakis na fitness instructor, timbog

Ang ipinakitang tapang at integridad ni Averilla ay nagsisilbing huwaran ng isang tunay na alagad ng batas, dagda pa ni Calinisan. (AR BERNARDO)

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

24-oras police ops ng Rizal PNP, 8 huli sa droga

ARESTADO ang walong drug personalities at nakumpiska ang humigit kumulang 100.69 gramo ng shabu at pitong gramo ng marijuana na may kabuuang halaga na...