GAGANAPIN ang joint session ng Kongreso bukas, Nobyembre 4, para kay Japanese
Prime Minister Kishida Fumio.
Ito ang ika-limang na pagkakataon na magiging bisita ang isang head of state sa
kasaysayan ng Pilipinas, ayon kay Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri.
Ang iba pang apat na pagbisita ay noong nagtungo rito sina: Pakistan President Pervez
Musharraf (Abril 2005); China President Hu Jintao (Abril 2005); US President George W.
Bush (Mayo 19, 2003); at US President Dwight Eisenhower (Hunyo 1960).
Ang pagbisita ni Kishida ay lalong magpapalakas ng kooperasyon sa pagitan ng dalawang
bansa na may magkatulad na mga hamon, ayon kay Zubiri.
“We look forward to the address of a leader of a nation that is a robust trading partner, a
strong security ally, a lending hand during calamities, and an investor in Philippine
progress…Deeper than government ties, Zubiri said, are “people-to-people relations
nurtured by tourism where citizens of one country enjoy the hospitality and culture of the
other,” saad ni Zubiri.
Ang Japan ang pinakamalaking pinagkukunan ng official development assistance (ODA)
ng bansa.
Ayon sa Department of Finance, ang ODA mula sa Japan ay umabot na sa US$14.139
billion o P7.77 trillion, higit na malaki kaysa taunang badyet ng gobyerno ng Pilipinas sa
2024.
Sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos sa Tokyo ng nakaraang Abril, nangako ang
Japan ng P250 bilyong tulong sa Pilipinas sa susunod na dalawang taon. Pinag-usapan
din ang pagtutulungan ng dalawang bansa dahil sa lumalaking agresyon ng China sa
South China Sea.