Lovi Poe, naging emosyonal sa mensahe ni Sen. Grace

Share

ISANG dream wedding ang kasal nina Lovi Poe at British boyfriend Montey Blencowe na
ginanap sa Cliveden House in Berkshire, England, sa hapon ng Agosto 26.


Sa reception ng kanilang garden wedding, naging emosyonal si Lovi habang nagbibigay
ng kanyang mensahe ang ate niyang si Senator Grace Poe, ang matron of honor.


Hindi mapigilang maluha ni Lovi nang banggitin ni Senator Grace si Fernando Poe Jr.,
ang namayapa nilang ama Sinabi ng senadora, “If FPJ were alive today, he could have been so proud of you, Lovi.


I wish he were here today so that he would be walking with you down the aisle on your
wedding day.”


Dahil sa pagbuhos ng kanyang emosyon, kailangang pang lapitan at yakapin ni Sen.
Grace ang kapatid.

BASAHIN  People Power 3 ‘pag natuloy ang Cha-cha? — D30


Kasama ng senadora sa London ang kanyang anak na si Brian Llamanzares, ilang araw
bago ang kasal, para makipag-bonding kay Lovi, iba pang kamag-anak, at mga
kaibigan.


Nakita rin sa kasal sina Rhian Ramos at Max Collins, malapit na mga kaibigan ni Lovi na
nakasama niya sa The One That Got Away sa GMA-7. Bahagi ng entourage sina Rep.
Sam Verzosa, Dr. Vicki Belo, Dr. Hayden Kho, at Bela Padilla.


Ang sabi ng ilang fans ni Lovi, sana raw ay mapanood nila sa social media o YouTube
kahit ang mahahalagang bahagi ng kasal ng kanila idol. Super congratulations daw!

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Muling magsuot ng face mask – DoH

MAPANGANIB sa kalusugan ang vog o volcanic gas. Kaya pinayuhan nitong Biyernes ng Department of Health (DoH) ang mga nakatira salalawigang malapit sa Bulkang Taal...