33.4 C
Manila
Friday, July 5, 2024

Bente anyos huli sa baril

Inaresto ng Talipapa Police Station (PS-3) ang isang 20-anyos na binata sa pagdadala ng baril habang naglalakad sa kahabaan ng Camachile, Quezon City

Kinilala ni PS 3 head PLtCol.  Morgan Aguila ang suspek na si John Rey Obrero,  residente ng Camachile, Brgy. Unang Sigaw, Quezon City sa kasong illegal possession of firearms.

Ayon sa report, inaresto  ng mga tauhan ng  PS 3 ang suspek habang nagsasagawa ng anti-criminality bandang 12:30 Huwebes  ng madaling araw sa Camachile, Brgy. Unang Sigaw, Quezon City at nakita ang naglalakad na suspek na may kahina-hinalang kilos.

Sinita nila ang suspek at nakita ang dalang revolver pistol na may tatlong bala at nang hanapan ng permit ay walang maipakita ang binata kaya agad na dinampot at dinala sa presinto.

BASAHIN  Tricycle driver, isa pang manyakis arestado sa kasong rape, pag-post ng hubad na litrato

Kasalukuyang nakakulong ang suspek at sinampahan ng paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa tanggapan  ng  Quezon City Prosecutor’s office.

BASAHIN  Ricardo cepeda, kulong sa estafa

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA