P35-P50, Dagdag-sweldo sa Calabarzon

Share

KAKARAMPUT na dagdag-sweldo.


Ito ang reaksyon ng marami sa mga manggagawa sa Calabarzon, matapos ianunsyo ng Regional
Tripartite Wages and Board, Region IV-A noong Huwebes, ang mula 9-11 percent na dagdag-
sahod.


Ang P35-P40 na dagdag-sahod bawat araw ay magsisimula sa Setyembre 24, 2023, sa mga
lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon, pawang nasa Calabarzon.


Makikinabang dito ang 719,704 mga manggagawa na sumasahod nang minimum wage sa buong
rehiyon.


Para sa hindi nagtatrabaho sa mga bukirin, ang arawang minimum wage ay magiging P520 sa
“extended metropolitan area”, at P479 para sa mga lungsod at first class na munisipyo. Ang mga
nasa second at third-class municipalities ay P425 bawat araw, samantalang para sa fourth, fifth at
sixth-class municipalities ay P385 lamang.

BASAHIN  Cara y cruz palit shabu, 4 huli


Para sa mga nagtatrabaho sa bukirin, ang arawang minimum wage ay P479 para sa “extended
metropolitan area and component cities”, at P425 para sa first-class municipalities. Ang mga nasa
second hanggang third-class municipalities ay tatanggap ng P385 kada araw.


Samantala, ang arawang empleyado sa “retail and service establishment” – na may isa hangggang
sampung kawani – ay makatatanggap ng P385, mula sa dating P350.


Sinabi pa ng Labor department na halos 1.6 milyong manggagawa na sumusweldo nang mahigit pa sa minimum wage ang makikinabang din dito.

IBA PANG BALITA

Panibagong usapang pangkapayapaan sa NPA, ekis kay Teodoro

WALANG negosasyong magaganap sa isinusulong na panibagong usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at New Peoples Army (NPA), ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro...

Lacson: Impeachment trial ni VP Sara sa Hunyo pa lalarga

INIHAYAG ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na posible aniya na sa Hunyo pa magsisimula ang impeachment trial sa senado laban kay Vice...

Preno muna sa mga bagong TNVS drivers, MC taxi riders

SINUSPENDI ng Department of Transportation (DOTr) ang pagdagdag ng mga bagong motorcycle taxi riders at transport network vehicle service (TNVS) drivers alinsunod sa limitasyon...

Atty. Mark Tolentino kinuwestyon ang ‘non-bailable’ case vs Sonza

KINUWESTYON ni Atty. Mark Tolentino, ang abogado ng dating broadcaster na si Jay Sonza kung bakit non-bailable ang kaso ng kaniyang kliyente batay sa...

Jay Sonza inaresto ng NBI sa kasong cyber libel

INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dating broadcast journalist na si Jay Sonza kaugnay sa kinakaharap nitong kaso na...

Tulak na sangkot sa road crash, huli sa Binangonan

NALAMBAT ng mga tauhan ng Binangonan Police ang isang lalaki na tulak ng iligal na droga matapos makuhanan ng aabot sa ₱748-K halaga ng...