Security plan para sa ‘White Ribbon Movement’ rally inilatag ng EPD

Share

INILATAG na ng Eastern Police District (EPD) ang security plan para sa nalalapit na “White Ribbon Movement” rally na gaganapin sa EDSA People Power Monument sa Hunyo 28.

Magsisilbing Civil Disturbance Management (CDM) ang mga EPD personnel na itatalaga sa EDSA Shrine para panatilihin ang kaayusan, tiyakin ang kaligtasan ng publiko, at maglaan ng seguridad sa iba pang gagawing activity.

Magdadagdag din ang District Headquarters (DHQ) ng puwersa mula sa Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan City Police Stations (PaMaMariSan CPS) bilang Reactionary Standby Support Force na nakahanda anumang oras bilang reinforcement.

Samantala, patuloy na paiigtingin ang anti-criminality operations sa buong Metro East, partikular na sa mga transport terminal, commercial establishments, major thoroughfares, at iba pang pasilidad at matataong lugar, bago, habang at pagkatapos ng rally.

Nakipag-ugnayan na rin ang mga otoridad sa iba’t ibaang ahensya, lokal na pamahalaaan, force multipliers, at emergency response team upang tiyakin ang kaayusan sa nasabing rally.

BASAHIN  Atty. Fortun kinasuhan 3 QCPD police sa maling paghawak ng road rage case

Binigyang-diin ni Police Brigadier General Melecio Buslig Jr., district director ng EPD, na pangunahin sa kanila ang matiyak na magiging payapa ang rally habang igagalang ang karapatang magpahayag ng mga raliyesta.

“Tinitiyak ng EPD na magiging payapa at maayos ang White Ribbon Movement rally. Ipinaalala natin sa ating mga tauhan ang maximum tolerance, igalang ang karapatang pantao, at makipagtulungan sa katuwang na mga ahensya at LGU kaugnay sa kaligtasan ng mga sasama at dadalo,” ang pahayag ni Buslig.

Hinihikayat din ng mga otoridad ang publiko na maging mapagmatyag, makipagtulungan sa mga alagad ng batas, at kaagad na iulat sa pinakamalapit na istasyon ng pulis ang anumang kahina-hinalang gawain.

IBA PANG BALITA

TESDA, DOLE nag-partner para sa ‘training to trabaho’ program

LUMAGDA sa isang kasunduan ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Department of Labor and Employment (DOLE) upang pagtibayin ang partnership kaugnay...

DHSUD chief named ‘Bayani ng Urban Poor 2026’ for housing achievements

DEPARTMENT of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Ramon “Ping” P. Aliling has been named the recipient of the prestigious Bayani ng...

Convo ng 2 lalaking estudyanteng suspek sa nangyaring pamamaril sa Tacloban City

KUMALAT na sa social media ang conversation (convo) ng dalawang lalaking estudyanteng suspek sa insidente ng pamamaril sa San Jose National High School sa...

PH health tech firms take center stage at DHF in Australia

AIMING to capture a larger share of the rapidly expanding global healthcare technology market, a high-level delegation of Philippine health tech enterprises showcased their...

Seguridad sa mga eskuwelahan sa Metro East pinaigting ng EPD

PINAIGTING ng Eastern Police District (EPD) ang seguridad sa mga eskuwelahan sa kanluraning bahagi ng Kalakhang Maynila matapos ang madugong insidente sa nangyaring pamamaril...

P15-K, tinanggap na ng 32 manininda ng bigas sa Zambo Sur

MAGSISIMULA nang ibinibigay ang P15,000 cash na ayuda sa 32 mga manininda ng bigas saZamboanga del Sur. Ito ang iniulat kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr....